Ayusin ang industriyang panghimpapawid ng Pilipinas, mungkahi ng AsBAA

Guest Contributor

Contributors are not employed, compensated or governed by TD, opinions and statements are from the contributor directly

Dumalaw ang AsBAA sa Clark International Airport kasama si pangulong Alexander Cauguiran ng CIAC

Dumalaw kamakailan ang Asian Business Aviation Association (AsBAA) sa Pilipinas para hikayatin ang mga opisyal ng pamahalaan na ayusin ang kasikipan ng NAIA sa Maynila. Isa rin sa layunin ng pangkat na mapaayos ang mga business and general aviation (BA/GA) facility na pinamamahalaan ng mga ito nang magamit sila nang panmatagalan.

Sa kanilang pagpupulong kasama ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at ang Manila International Airport Authority (MIAA), tinalakay ng mga kinatawan ng AsBAA sa Pilipinas at sa rehiyon na ang NAIA ay may kabuuang 40 pagkikilos kada oras na pabor sa komersyal na mga airline, habang ang mga BA/GA ay nakakagamit lamang nang dalawang oras kada araw.

Ipinakita ng MIAA ang kanilang kasalukuyang solusyon nito upang mapahusay ang pagpapatakbo nang paliparan, tulad ng kamakailang pagtatayo ng communication navigation surveillance and air traffic management system sa buong bansa, at sa patuloy na pagpapalawak ng rapid exit taxiways nito. Samantala, sinabi ng CAAP na handa itong sumunod sa mga pandaigdigang pamantayang ginagamit sa industriyang panghimpapawid, lalo na ang mga regulasyong pang-GA/BA.

Paliparan ng Maynila balak ilabas mula sa kabisera

Ang pangmatagalang solusyong isinasaliksik ngayon ng AsBAA ay isang redistribution plan upang ilipat ang aviation traffic sa hilaga ng kabisera.

Ayon kay Mr Jay Lopez, isang kinatawan ng AsBAA sa Pilipinas: “Kasalukuyan naming sinisiyasat ang Clark Freeport at Subic Bay Freeport, na parehong kilala na matibay laban sa pagbaha at lindol kung ihahambing sa Maynila.”

Unang nakipagkita ang AsBAA sa pangulo ng Clark International Airport Corporation na si Alexander Caguiran. Tinanggap niya ang mungkahi ng grupong pagtapatan ang 24 ha (0.24 km2) na lugar na nakalaan para sa FBO/GA/BA space sa mga pandaigdigang pasilidad ng GA/BA. Ipinahayag rin niya ang kanyang tiwalang maiaakyat ng Clark Airport ang bilang ng mga pasaherong dumaraan sa terminal nito mula sa apat na milyon hanggang 80 milyon na mga pasahero.

Sa Clark Freeport rin nakipagtagpo ang grupo sa mga kinatawan ng Clark Development Corporation (CDC), ang puno nitong si Jose de Jesus at ang pangulo nitong si Noel Manankil. Ibinahagi ng dalawang opisyal na gagawin nilang mixed-use hub ang 2,300-ha airport periphery, kung saan madaragdagan ito ng sistema ng tren sa pagitan ng Clark at Maynila at mga sports facility para sa 2019 Southeast Asian Games. Ayon sa balitang lokal, kinuha ng CDC ang Palafox Associates para isagawa ang planong ito.

Ang mga kasapi ng AsBAA kasama sina MIAA assistant general manager for operations Engr. Octavio Lina, CAAP deputy director general Kap. Donald Mendoza, at CAAP ODG head executive assistant Kap. Nestor Pasano

Isang pang terminal na balak isaalang-alang ng AsBAA bilang dedikadong pasilidad ng BA / GA facility ay ang Subic Bay International Airport (SBIA), na may kapasidad na anim na milyong pasahero. Mula sa kanilang pagpupulong kay Wilma Eisma ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), nalaman nilang nilang mayroong kakayahang magpatakbo ng ilaw na VFR 24 × 7 ang paliparang ito, at magkakaroon rin ito ng IFR 24 × 7. Aniya, naghahanda na rin ang SBMA palawakin ang palibot ng SBIA nang 200-ha sa loob ng susunod na anim na taon.

Habang nangako ang lahat ng mga ahensyang tutugunan lahat ng mga isyu sa industriyang panghimpapawid, sinabi ni Lopez sa Travel Daily na nakasalalay ang pagsasagawa ng iminumungkahi ng AsBAA sa kani-kanilang kakayahang ayusin ang mga paliparan ayon sa kanilang ipinakitang mga plano at timeline.

Klook.com

EXPERT OPINION

You might also like

Comments are closed.

Subscribe to our newsletter
Sign up here to get the latest news, updates and special offers delivered directly to your inbox.
You can unsubscribe at any time
Close