DOT: Isusulong ang mas malaking papel ng Mindanao sa turismo ng bansa

Guest Contributor

Contributors are not employed, compensated or governed by TD, opinions and statements are from the contributor directly

Mindanao
Isang isla sa Tawi-Tawi, Mindanao

Naniniwala ang Department of Tourism (DOT) na oras na para simulan ang mga mahahalagang proyekto sa Mindanao, sa kabila ng mga hamon sa rehiyon sa nakalipas na ilang taon.

Ang pag-anunsiyo ay ginawa ni DOT secretary Wanda Teo pagkatapos pangunahan ang briefing ng Mindanao Develoment Authority (MinDA) sa Old Airport ng Davao City, Martes, Ika-6 ng Marso.

Kabilang sa mga proyekto ay ang pagtatayo ng karagdagang Tourist Information and Assistance Centre (TIAC) upang itaas ang kamalayan ng mga turista sa magagandang tanawin at matatag na kultura ng bansa.

“Kapag nasimulan ang TIAC, mas maraming turista ang siguradong darating. Maari nating ipagmalaki sa kanila ang mga destinasyon, at matitiyak natin na magkakaroon sila ng hindi malilimot na karanasan dahil sa kagandahan ng lugar.” Sabi ni Teo. “Gagawin ito kasama ang MinDA, pati na rin ang DOT at mga lokal na unit ng pamahalaan.”

DOT Secretary Wanda Teo
DOT Secretary Wanda Teo

Ilulunsad din ng DOT ang Go South-Go Mindanao Bus, na tatakbo mula Davao City hanggang Cagayan de Oro City. Magbibigay ito ng daan sa mga turista upang masaksihan nila ang mga tanawin sa kahabaan ng daan.

Bukod dito, itinutulak din ng gobyerno ang domestic tourism. Hinihimok nito ang mga operators na bumuo ng mga establishments sa kani-kanilang lugar na maaaring mag-ambag sa lokal na ekonomiya.

Ang mga halimbawa nito ay ang pagtatayo ng mga souvenir shops, lugar ng pahingahan at mga kainan, bilang bahagi ng pagpapaunlad sa mga ruta ng bus.

Bukod sa pagtataguyod at pag-aayos sa Davao International Airport bilang isang connecting hub sa iba pang mga destinasyon, ang DOT ay hinimok din upang makipag-pulong sa mga opisyal mula sa mga kompanya ng airline at hotel kaugnay sa pagtaas ng mga rate.

Nabanggit din sa pulong ang binabalak na “no travel tax”. Ito ay maaaring mag-ambag sa pagtaas ng mga tourist arrivals sa Mindanao at magbibigay din ito ng trabaho para sa mga lokal.

“Susubukan namin ang aming makakaya upang mabilis na subaybayan ang panukala.” dagdag ni Teo.

Klook.com

EXPERT OPINION

You might also like

Comments are closed.

Subscribe to our newsletter
Sign up here to get the latest news, updates and special offers delivered directly to your inbox.
You can unsubscribe at any time
Close